Pamilya ni Allan Gomez kinuwestiyon ang tila VIP treatment kay Sanchez

0
37

Kinuwestyon ng pamilya ni Allan Gomez ang tila VIP treatment kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP).

Tinukoy ni Oliver Gomez, kapatid ni Allan na isa sa mga ipinapatay ni Sanchez, ang naiibang uniporme ni Sanchez nang ipakita ito sa NBP.

Sinabi ni Gomez na iginagalang nila ang mga batas ng Pilipinas kaya’t ang nais nila ay matupad ang sentensya kay Sanchez na mabulok sa bilangguan.

Itatanong po natin kung ano po ang proper decorum ng isang preso sa isang bilibid kung tama po ba yung suot niya, e, di, isang ground din po siguro iyon, kung paglabag po iyon sa mga alituntunin ng BuCor. Kaya nga po yata sila laging naka-orange dahil uniporme nila, e, pare-pareho sila para malaman na preso. E, pag gano’n po ang pustura ng isang tao sa loob ng piitan, ano po ang iisipin natin. Ano pong ano natin na, iba to, iba sya, iba sya sa iba,” paliwanag ni Gomez.

Ratsada Balita Interview