Friday, May 3, 2024

Pamilya ng mga biktima sa Maguindanao Massacre hindi aatras sa kaso

- Advertisement -

Emosyunal na naglabas ng kaniyang mga hinanakit at saloobin si Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sa kaniyang naging mensahe bilang paggunita sa unang dekada ng malagim na Ampatuan Massacre sa lalawigan ng Maguindanao kahapon, sinabi nito hindi pa rin niya makalimutan ang sakit sa pagyao ng kaniyang asawa, mga kapatid at ilang kaanak.

Ibinulalas din ni Mangudadatu ang kaniyang sama ng loob makaraang mabatid na tinangka umanong suhulan ang ilan sa pamilya ng mga biktima para i-urong ang kaso laban sa mga nasa likod ng pamamaslang.

Dahil dito, nanindigan si Mangudadatu na walang aatras sa kanilang laban at hinikayat nito ang pamilya ng iba pang mga biktima na alalahain ang brutal na pagpaslang sa 58 indibiduwal kabilang na ang nasa 32 miyembro ng media.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img