31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pamilya ng ex-promoter inatasan ng SC na bayaran si ret. boxer Espinosa

- Advertisement -

Inatasan ng Korte Suprema ang mga tagapagmana o heirs ng yumaong boxing promoter na si Rod Nazario na bayaran ng P6.6M si dating World champion boxer Luisito Espinosa.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa hindi nabayarang premyo sa world-title fight ni Espinosa laban kay Carlos Rios ng Argentina sa Koronadal City noong December 1997.

Sa pasya ng Supreme Court, ibinasura nito ang petisyon ng mga Nazarios kasunod ng ginawang pagbaliktad ng Court of Appeals sa hatol ng mababang korte na nagpawalang-saysay naman sa claim ni Espinosa.

Magugunitang pumanaw na si Rod Nazario noong 2009 kaya’t ang mga tagapagmana na nito ang magbabayad sa hinahabol na premyo ng dating boksingero.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -