Pamamayagpag ng mga political dynasties sa bansa kasalanan ng mga botante — Pangulong Duterte

0
49

Hindi napigilang isisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga botante ang pamamayagpag ng mga political dynasties sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa panunumpa ng kaniyang anak na si Sebastian “Baste” Duterte bilang bise alkalde ng Davao City, sinabi ng pangulo na nahihiya siyang marinig sa taumbayan ang salitang political dynasty.

Aminado ang pangulo na hindi rin nakabubuti sa bansa ang pagkakaroon ng dynastiya sa kabila ng pagluklok sa kaniyang mga anak sa puwesto mula sa pagiging alkalde, bise alkalde hanggang sa kongresista.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi rin naman niya masisisi ang kaniyang mga anak na maluklok sa puwesto dahil sa ang mga ito naman aniya ang siyang niluluklok ng taumbayan.