Pamamahagi ng cash aid sa mga OFW na apektado ng COVID-19 tigil muna —DOLE

0
13

Pansamantalang sinuspindi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pamamahagi ng ayuda para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ni Secretary Silvestre Bello III, paubos na kasi ang kanilang pondo sa  “Abot Kamay ang Pagtulong” (AKAPprogram.

Aniya, kanila lamang naman itong sususpindihin habang hindi pa dumarating ang kanilang hinihiling na karagdagang pondo para sa naturang programa.

Samantala, ang AKAP program ay ang pagkakaloob ng DOLE ng P10,000 o 200 U.S. dollars para sa mga OFWs na naaapektuhan ng COVID-19.