Wednesday, May 8, 2024

Pamahalaan sinimulan na ang culling ng mga baboy sa ilang lugar sa Luzon

- Advertisement -

Sinimulan na umano ng pamahalaan ang culling o pagpatay sa ilang mga baboy mula sa ilang hindi tinukoy na mga lugar sa Luzon.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Taiwan na ipatutupad na nila ang mahigpit na screening o pagsusuri sa lahat ng carry-on baggage ng mga biyahero mula Pilipinas sa gitna ng nakataas na African Swine Fever (ASF) alert.

Isinama na rin ng Taiwan central emergency operation center ang Pilipinas sa kanilang listahan ng high risk areas for African Swine Fever matapos umano silang makatanggap ng ulat na may kaso na ng nabanggit na sakit sa mga baboy sa Bulacan at Rizal.

Sa kabila nito, hindi naman itinanggi o kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar ang ulat ng umano’y ASF virus sa bansa.

Ayon kay Dar, nagsasagawa pa sila ng confirmatory laboratory test para malaman ang sanhi ng mga napaulat na insidente ng pagkamatay mga baboy sa ilang lugar sa Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img