Pamahalaan nakatanggap ng $3-M ‘grant’ kontra terorismo

0
56

Nakatanggap ng halagang $3-M na ‘grant’ ang pamahalaan mula sa isang non-profit swiss foundation upang magamit kontra terorismo.

Ayon kay Interior secretary Eduardo Año, katuwang ng gobyerno ang Global Community Engagement and Resilience Fund o GCERF sa pagpopondo para sa mga community-level initiatives na susugpo sa extremist movements.

Sinabi ni Año na partikular na tututukan ng programa ang Mindanao, mainland Luzon at Metro Manila na lantad sa terorismo at violent extremism.