Pamahalaan nakahanda na para sa anibersaryo ng CPP

0
54

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang nalalapit na anibersaryo ng o Communist Party of the Philippines sa Disyembre 26.

Hindi malayong manggulo ang komunistang grupo ayon kay PNP chief Oscar Albayalde kaya’t paiigtingin nila ang seguridad sa posibleng karahasan sa anibersaryo ng CPP.

Isa aniya ito sa pangunahing dahilan kaya inilabas ng Malakanyang ang memorandum order 32 para sa dagdag pwersa ng pulis at militar sa Bicol region, Samar at probinsya ng Negros.

Nakaalerto naman sa buong bansa ang puwersa ng PNP sa nasabing araw.

(Kimberlie Montano)