32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pamahalaan kayang makontrol ang COVID-19 sa bansa, MECQ sa NCR palawigin pa — UP-OCTA Research Team

- Advertisement -

Dapat na palawigin pa ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Ranjit Rye ng UP-OCTA Research Team, ito ay upang mapababa pa at makontrol ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kaugnay nito, kumpiyansa si Rye na kayang makontrol ng pamahalaan ang pagkalat ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa pamamagitan aniya ng maayos na pamumuno at pati na ang kooperasyon ng mga Pilipino.

Paliwanag pa ni Rye, hindi naman ‘hopeless case’ ang Metro Manila, dahil nagawa nga naman aniya na makontrol ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City       matapos ang istriktong quarantine protocols.

Payo pa nito sa publiko, kaunting tiis lamang at sakripisyo ay mapagtatagumpayan din ang laban kontra COVID-19.

Matatandaang una nang sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na posibleng hindi na palawigin pa ang umiiral na MECQ sa Metro Manila na nakatakda namang magtapos sa susunod na Linggo, Agosto 18.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -