Pamahalaan handa sa maaring banta sa estado sa kabila ng ceasefire

0
14

Nakahanda ang tropa ng pamahalaan sakaling umatake ang komunistang grupo sa kabila ng pagdedeklara ng cease fire sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang tigil putukan upang ipakita ang sinseridad ng pamahalaan sa pagbubukas ng usapang kapayapaan sa rebeldeng grupo sa kabila ng pangambang gagamitin ng mga ito ang pagkakataon upang magpalaganap ng gulo.

Matatandaang una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na gagamitin ng komunistang grupo ang tigil putukan para mag-recruit at palakasin pa ang kanilag pwersa.

Samantala, tiniyak naman ni Panelo na alam na ito ng Pangulo bago pa man ito nagdeklara ang cease fire kung kaya’t inihanda parin ang tropa ng pamahalaan sa maaaring banta laban sa estado.