Palawan at Visayas apektado sa haze mula sa Indonesia — PAGASA

0
21

Lumawak pa ang mga lugar sa bansa na apektado ng haze mula sa wildfires sa Indonesia.

Ayon sa PAGASA, ramdam na rin ang haze sa Roxas City, Dumaguete City, Maasin City; Guiuan, Samar; Borongan Samar, Tagbilaran City.  At nagtaas na rin ng haze alert ang Zamboanga Peninsula.

Nauna nang nakumpirma ang presensya ng haze sa Tawi-Tawi, ilang bahagi ng Palawan, Koronadal City sa South Cotabato at South Cebu.

Ayon sa PAGASA, nakakaapekto sa Palawan at Visayas ang forest fire sa West Kalimantan sa Sumatra samantalang galing naman ng East Kalimantan ang nakakaapekto sa bahagi ng Soccsksargen.

Una nang nagpahayag ng kahandaan ang Dept. of Health na magpadala ng face mask sa mga apektadong lugar.