Palasyo umaasang maipagpapatuloy ng susunod na Presidente ng bansa ang sinimulan ni Duterte

0
21

Umaasa ang Malakanyang na maipagpapatuloy ng susunod na lider ng bansa ang sinimulan ni Pangulong Duterte na pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa at Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, dapat na may kasing tapang at paninindigan ang magiging sunod na pinuno ng bansa.

Aniya, panahon na para palakasin ang Pilipinas at hindi na umasa pa sa ibang bansa.

Samantala, kinumpirma na ng US Defense Department na natanggap na nila ang ipinadalang notice of termination ng VFA ng Pilipinas sa Amerika.