35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Palasyo tutol na pauwiin ang mga Pinoy mula sa Hubei, China

- Advertisement -

Tutol ang Malakanyang na pauwiin sa ngayon ang mga Pilipino sa Hubei, China kasunod ng paglaganap ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag kasi umuwi ng Pilipinas ang mga Pilipino mula sa naturang lugar ay maaring ma–expose ang bansa sa kontaminasyon.

Aniya, posible kasing maging carrier pa ng virus ang naturang mga Pilipino na uuwi sa bansa.

Payo ni Panelo, pinakamainam sa ngayon ay ang manatili muna sa Hubei ang mga Pilipino at sumunod na lamang sa mga protocols na ipinatutupad ng Chinese government.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -