37.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Palasyo tiwalang matutuldukan ang korupsiyon sa PCSO sa mga kondisyong itinakda sa STL ops

- Advertisement -

Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na tuluyan nang matutuldukan ang korapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa bagong kondisyong itinakda para sa Small Town Lottery (STL) operators.

Ito ay matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon sa operasyon ng STL.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa mga bagong kondisyon na itinakda ng pangulo, mahihirapan ang mga STL operators na ibulsa ang mga nakokolekta nitong pera mula sa kanilang mga operasyon.

Paliwanag ni PCSO General Manager Royina Garma, kabilang sa mga kundisyon na ipatutupad ng pangulo ay ang regular na pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng tatlong buwang PCSO share sa Guaranteed Minimum Monthy Retail Receipt (GMMRC), sa oras na mabigo ang mga STL operator na iremit ito ay otomatikong makakansela ang lisensiya nito para makapag-operate.

Gayunman, tiwala naman si Panelo na hindi makaka-apekto ang pag-alis sa suspensyon ng STL operations sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad laban sa mga tiwaling PCSO officials.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -