35.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Palasyo naniniwalang Chinese militia ang namataan sa Pag-asa Island

- Advertisement -

Pinaniniwalaan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines na Chinese Militia ang sakay ng mga Chinese Vessel na namataan sa Pag-asa Island.

Ito’y sa kabila ng pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na mga mangingisdang Tsino lamang ang nasa Pag-asa na islang okupado ng Pilipinas sa bahagi ng pinag-aagawang West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, kung sa tingin ng militar ay civilian military force o militiamen ang lulan ng mga nasabing vessel ay mas paniniwalaan niya ito.

Ang militar anya ang nasa mismong ground kaya’t mas alam nila kung ano ang dapat gawin.

(with report from Jopel Pelenio)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -