Palasyo nanawagan sa agarang pag-apruba ng kongreso sa ₱4.5-T 2021 national budget

0
54

Kinalampag ng palasyo ang kongreso para sa agarang pagpapasa ng ‎4.5 trilyon sa 2021 national budget.

Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles ay dahil nakasasalay sa 2021 budget ang response, recovery at rehabilitation program ng gobyerno sa COVID-19.

Sa ngayon ay welcome naman aniya sa Malakanyang ang pagkaka-apruba ng budget sa House Committee on Appropriation.

Sinabi ni Nograles na hindi kakayanin  ng pamahalaan na ma-delay muli ang pondo dahil wala nang magagastos sa mga proyektong susuporta sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Binigyang diin pa ni Nograles na nakasasalay din sa 2021 budget ang pag responde sa edukasyon, kalusugan, transportasyon at pang imprastruktura.