Palasyo ikinatuwa ang pagtaas ng satisfaction rating ng gabinete ni Duterte

0
51

Welcome sa Malakanyang ang pagtaas ng net satisfaction rating ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinaka-bagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Batay sa SWS survey noong Setyembre 15 hanggang 23,  48 percent ng mga respondent ang kuntento at  16 percent ang hindi kuntento sa trabaho ng gabinete o katumbas ng positive 32 net satisfaction rating o “good.”

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, indikasyon   ang nabanggit na survey na kuntento ang mga pinoy sa paglalatag ng gobyerno ng solusyon sa mataas na presyo ng mga bilihin o inflation.

Maka-aasa anya ang publiko na hindi magpapaka-kampante ang mga cabinet member sa halip ay ipagpapatuloy ang pagharap sa mga national issue.