Palasyo hindi kuntento sa inilabas na apology ng Xiamen Airlines

0
48

Hindi kuntento ang Malakanyang sa inilabas na public apology ng Xiamen Airlines kaugnay sa idinulot na aberya matapos sumadsad ang kanilang eroplano sa runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasalukuyang gumugulong na ang imbestigasyon upang matukoy kung may dapat panagutan ang naturang airlines lalo na ang piloto nito.

Samantala, hindi naman kumbinsido ang Malakanyang na may pananagutan ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa nangyaring aberya.

“Hindi po dapat makalusto nang wala man lang apology. Pero tingin ko, it’s more than apology because we’re now investigating if there’s any kind of liability we can attribute to the pilot.” Pahayag ni Roque.