Palasyo hindi ipaaresto ang NDFP chief at senior adviser pagdating sa bansa nito  

0
49

Ibinasura ng Malakanyang ang pangambang ipa aresto ng gobyerno sina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Negotiator Fidel Agcaoili at Senior Adviser Luis Jalandoni pagdating sa bansa para sa resumption ng peace talks ng magkabilang panig.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang dapat ikatakot ang NDFP sakaling bumagsak ang mga paunang hakbang sa posibleng resumption ng peace talks.

Sina Agcaoili at Jalandoni ay nakatakda sanang umuwi ng bansa mula sa the netherlands para kausapin sina Panelo at Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza subalit nakansela dahil sa banta ni DILG Secretary Eduardo Año na maaaring maaresto ang mga naturang opisyal dahil sa standing warrant of arrest sa kasong rebelyon.

Ayon kay Panelo, hindi naman aarestuhin sina Jalandoni at Agcaoili kung ang layunin ng mga ito ay makipag-usap sa gobyerno.

Malinaw aniya ang marching order sa kanila ng Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang rebeldeng grupo at himukin itong maglatag ng magandang dahilan para bumalik ang gobyerno sa negotiating table.

Magugunitang November 2017 nang pormal na kanselahin ng Pangulong Duterte ang peacetalks sa rebeldeng grupo.