Palasyo dumistansya sa iringan nina Sec. Locsin Jr. at Arch. Valles

0
8

Dumistansya ang Malakanyang sa iringan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. at Catholic Bishos Conference President (CBCP) Arch. Romulo Valles.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring may hindi magandang sinabi ang mga ito laban kay Locsin kung kayat nakapagsalita ito ng hindi maganda.

Matatandaang, minura ni Locsin ang isang reporter ng Philippine Daily Inquirer dahil sa ibinalita nitong hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga huling pagpupulong sa ASEAN Summit sa Thailand.

Nakatanggap rin ng hindi magandang pananalita kay Locsin ang isang reporter ng Philippine Star matapos nitong bigyan ng payo ang kalihim sa tamang pag-uugali ng mga opisyal ng gobyerno.

Pinaratangan naman na “moron in a white mu-mu at idiot” ang arsobispo dahil sa paghimok nito sa publiko na manalangin para kay Vice President Leni Robredo matapos nitong tanggapin ang posisyon sa ICAD.

Samantala, sa huli sinabi ni Panelo na ‘man of substance’ at professional si Locsin kung kayat alam nito ang kanyang ginagawa.