Palasyo bumwelta kay Reyes sa plano para lutasin ang ‘transport crisis’

0
26

Binuweltahan ng Malakaniyang si Bayan Sec. Gen. Renato Reyes nang sabihin nito na dapat ay bumubuo ang Palasyo ng komprehensibo at pangmatagalang plano para lutasin ang mas transport crisis sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mayroon ginagawa ang gobyerno at nakikita naman na hindi tumitigil ang administrasyon sa pag-iisip ng solusyon sa traffic.

Maganda rin aniya kung tatanungin mismo ni Reyes ang mga ahensya ng gobyerno kung anong plano at kung wala umanong sumagot ay saka aniya ito batikusin.

Hinimok din ni Panelo si Reyes na magmungkahi na lamang ng solusyon sa halip na puro puna ang sabihin.

Mas makakatulong umano si Reyes kung magiisip din ng solusyon sa paglutas sa problema sa trapiko.