Palasyo binalaan ang publiko na nagho-hoard sa gitna ng health crisis.

0
23

Binalaan ng Malakanyang ang mga nagho-hoard at namamakyaw ng alcohol at face mask at iba pang pangunahing bilihin sa gitna ng health crisis na dala ng coronavirus disease 2019 (COVID- 19).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mayroong katapat na parusa ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng krisis.

 Pinuna ni Panelo ang mga di umanoy namamakyaw ng alcohol at face mask upang ibenta ng mas mahal.

 Kalat sa social media lalo na sa facebook ang mga nagbebenta ng alcohol at face mask sa mas mataas na halaga.