Ipinagpaliban muna ng Marikina City government ang nakatakda sanang Palarong Pambansa na gaganapin sa kanilang lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, kanselado na ang Palarong Pambansa na gaganapin sana sa Marikina City sa buwan ng Mayo.
Ito ay bilang pag-iingat na rin matapos na maitala ang isa sa 10 kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang lungsod.
Naikonsulta na aniya ito sa Palarong Pambansa Board na binubuo rin ng mga opisyales mula sa Department of Education (DepEd).