Pakistani national na umano’y suicide bomber timbog ng Immigration

0
44

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang Pakistani national na hinihinalang suicide bomber.

Kinilala ng Immigration ang Pakistani national na si Waqar Ahmad, 36 na taong gulang at umano’y miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.

Si Ahmad ay naaresto sa Zamboanga City matapos ang puspusang surveillance sa kaniya ng PNP Intelligence Group.

Ang nasabing Pakistani terrorist ay nakatakda sanang makipagkita sa isang mataas na opisyal ng Abu Sayyaf para planuhin ang serye ng suicide bombings sa Basilan.

Nilabag din ni Ahmad ang immigration law ng bansa nang mag trabaho partikular sa appliance center ng kaniyang tiyuhing Pakistani sa Zamboanga ng walang employment permit.

Si Ahmad ay ipade deport ng B.I matapos ilagay sa blacklist ng ahensya.