27.9 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Pahayag ng Police Regional Office 13

- Advertisement -

Pahayag ng Police Regional Office 13 kaugnay sa pagkadakip kina Isias B. Genorga, Gina Tutor, at Maria Dalangin

Sina Isias B. Geñorga, tagapagsalita ng PISTON Caraga, at Gina Tutor, Secretary General ng GABRIELA-Agusan del Norte ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na pinalabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 34, 10th Judicial Region, Cabadbaran City na walang inerekomendang piyansa.

Samantalang si Maria Vilma Dalangin, Kalihim at Pinuno ng Regional Organizing Department ng Regional White Area Committee, Northern Mindanao Regional Committee, at organizer ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Surigao Norte (NAMASUN) ay nahaharap sa kasong murder at paglabag sa Sec. 6 ng RA 9851 (The Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes against Humanity) ayon sa warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 27, 11th Judicial Region, sa Tandag City, Surigao del Sur.

Silang tatlo ay parehong iniugnay sa brutal na pagpatay sa mga sibilyan at miyembro ng tribo ng Manobo, at sa walang awang pagpaslang sa mga dating rebelde na sina Zaldy A. Ybañez at Datu Bernandino M. Astudillo sa Barangay Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur noong Marso 19, 2020.

Si Dalangin ay Top 6 samantalang si Tutor ay top 9 sa kategorya ng mga Communist Terrorist Group (CTG) Priority Target in Regional Level habang si Geñorga ay No. 18 Most Wanted Person on CTG Priority Target in Regional Level.

Ang mga naturang individwal ay hinuli hindi dahil sila ay miyembro ng mga progresibong grupo kundi dahil sa mga kasong kanilang kinakaharap.

Ang operasyon ay hindi desperadong hakbang bagkus ito ay patunay na walang sinuman ang nakakaangat sa ating batas.

 

Sinuman at anuman ang estado sa buhay o kinabibilangan na organisasyon, ay huhulihin kapag may ginawang paglabag lalong lalo na kung ang mga ito ay heinous crimes.

Dumaan sa wasto at legal na proseso ang operasyon ng kapulisan; at tinitiyak ng Police Regional Office (PRO)13 ang kanilang kaligtasan at ang paggalang sa kanilang karapatang pantao.

Nasa kamay na ng korte ang magdesisyon sa kasasapitan ng tatlo. Buong giting na ginagampanan ng PRO13 ang mandato na ipairal ang batas sa lahat.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -