Pahayag na umangat pa ang antas ng karahasan ng mga terorista sa Pinas kinatigan – PNP

0
51

Sinegundahan ng pambansang pulisya ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na umangat pa sa panibagong antas ang ginagawang karahasan ng mga terorista sa Pilipinas.

Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde matapos lumutang na Pilipino ang isa sa mga umano’y nagsilbing suicide bomber sa nangyaring pagsabog sa isang kampo militar sa Indanan, Sulu nuong isang linggo.

Ayon kay Albayalde, kailangang paigtingin pa nila ang pangangalap ng intellegence information maging ang pakikipagtulungan ng mga komunidad upang mapigilan ang karahasan.

Sisikapin aniya nilang tuntunin ang mga lokal na terorista gamit ang makabagong teknolohiya upang pigilan ang mga ito na magsilbing suicide bomber at tuldukan ang papasibol pa lamang na kulturang ito.