Hindi totoo ang pinalulutang ng Tsina na kinuyog umano ang kanilang mga mangingisda ng mga pilipinong naglalayag din sa bahagi ng Recto Bank na sakop ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea
Ito’y ayon kay Maritime and Law of the Sea Expert Prof. Jay Batongbacal ay kung pagbabatayan aniya ang Satellite Images na kanilang nakuha mula sa visible infrared imaging radiometer suite
Makikita aniya sa nasabing Satellite Image na hiwa-hiwalay ang mga bangka sa malawak na bahagi ng Recto Bank at mababa sa 7 hanggang 8 bangkang pangisda na sinasabi ng Tsina
Muling iginiit ni Batongbacal na malabong aksidente ang nangyari lalo’t aabot sa 3 hanggang 5 milya o katumbas ng 7 hanggang 9 na kilometro ang distansya ng bawat isang bangka na naglalayag sa nasabing karagatan nang mangyari ang insidente