Pahayag na hindi dapat pinadedeport ang mga illegal Chinese workers tinutulan

0
36

Tutol si Senador Panfilo Lacson sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga iligal na nagtatrabahong dayuhang manggagawa sa bansa.

Ito ay matapos sabihin ng pangulo sa isa sa kanyang naging talumpati na hindi dapat ipadeport ang mga iligal na Chinese workers sa bansa at sa halip ay hayaang magtrabaho ang mga ito.

Ayon kay Lacson, may umiiral na immigration law sa bansa na dapat ay mahigpit na ipinatutupad at sundin.

Wala aniya dapat maging exception dito anuman ang nationality tulad ng Chinese, American, Japanese at kahit taga Mars pa.

Binigyang diin pa ni Lacson, anuman ang maging pahayag ng pangulo, nararapat lamang mabigyan ng prayoridad ang mga manggagawang Filipino na posibleng naagawan na ng kakaunting trabaho ng mga illegal foreign workers sa bansa.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)