Pagtutok ng radar gun ng Chinese sa isang Pinoy, dinipensahan ni Lorenzana

0
16

Dinipensahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagtutok ng China ng radar gun sa isang Philippine navy vessel.

Ayon kay Lorenzana, tiwala siyang wala namang intensyon ang China na saktan ang mga Filipino, bagkus ay sinusubukan lamang ng mga nito ang magiging reaksyon ng mga Filipino sa nasabing hakbang.

Sinabi ni Lorenzana, sinusubukan lamang ng mga Chinese ang mga Philippine vessels na dumadaan sa bahagi ng West Philippine Sea, at mistulang pinaalalahanan ang mga ito na teritoryo ng China ang nasabing bahagi ng karagatan.