Saturday, May 4, 2024

Pagtrato kay Sister Patricia Fox palabas ng bansa naging maayos—BI

- Advertisement -

Naging maayos ang pagtrato ng gobyerno ng Pilipinas sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox sa matapos itong ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ang tiniyak ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos.

Ayon kay Sandoval, maaari pa namang makabalik ng Pilipinas si Sister Pat kung aalisin ang kanyang pangalan sa blacklist order ng mga ikinukunsiderang undesirable alien.

“Ang order to leave po kasi is just making sure na siya’y nakaalis na ng bansa, so meron po tayong mga intelligence officer na naka-poste sa airport para lang i-check pero that’s it po hindi naman siya kailangang samahan. Pending pa po ang apela niya sa DOJ, if it’s granted naman po yung kanyang standing na blacklist po ay matatanggal.” Ani Sandoval


Samantala, muling binakbakan ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox ang Duterte administration.

Pagbalik ng Melbourne, Australia, agad binatikos ni Fox ang lumaganap umanong paglabag sa karapatang pantao sa pilipinas na kanyang tinawag na “reign of terror and tyranny.”

Sinupalpal din ni Sister Pat ang wala umanong katapusang pang-ha-harass ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika.

Magugunitang ipina-deport si Fox ni Pangulong Duterte dahil sa paglahok sa mga kilos protesta laban sa gobyerno ng Pilipinas.

Balitang Todong Lakas Interview

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img