32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Pagtitinda ng paputok sa isang barangay sa Baguio City pinagbawal dahil sa ordinansia ng siudad

- Advertisement -

Baguio City – Matagumpay na nakumpiska ng mga tauhan ng Baguio City Police Office Loakan Police Station ang mga ilan sa mga ipinagbabawal ng paputok mula sa isang ┬ánegosyante na babae sa Kias Barangay, lungsod ng Baguio.

Batay sa report ng Loakan Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagtitinda ng paputok ng isang tindahan o store sa Kias. Dahil dito ay tinungo nila ang nasabing lugar upang tignan ang ipinaalam sa kanilang impormasyon.

Kasama sa mga nakumpiska na illegal na paputok ay ang isang piraso ng Judas Belt, apat na piraso na whistle bomb, 13 piraso ng kwitis, 160 na piraso ng five stars, tatlong karton ng 90 seconds cracklings, walong piraso ng crackling tails, isang karton ng rainbow luces at ng iba pa.

Mayroon pang nakumpiska na isang  rolyo ng  dream lights luces, isang  karton ng silbador, limang piraso ng malaking fountain luces at limang pirasong ng maliit na triangular fountain luces.

Dahil dito, nagbabala si BCPO Chief Police Colonel Francis Bulwayan Jr., sa publiko na ipapatupad ang ordinansa ng lungsod kaugnay sa pagbabawal ng pagtitinda at pagpapatok ng mga firecrackers sa pagsalubong sa bagong taon.

Kanyang idinagdag na mas maganda kung sasali ang publiko sa mga ÔÇťorganized fireworks display ng lokal a gobierno at ng mga pribadong kompanya na nabigyan ng permiso o permit. (Joel Cervantes, photo courtesy of BCPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -