Pagtatayo ng gulayan sa mga paaralan isinusulong ni Sen. Villar

0
19

Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar ang pagtatatag ng mga gulayan sa paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Layon nitong maimulat ang kamalayan ng mga kabataan sa sektor ng agrikultura at mabigyang kabuhayan ang mga magulang.

Sa panayam ng DWIZ kay Villar na Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, mabisang hakbang din aniya ito para labanan ang problema ng bansa sa malnutrisyon.