Pagtatalaga ng point-person para sa medical logistics iminungkahi

0
24

Iminungkahi ni Senadora Nancy Binay ang pagtatalaga ng pamahalaan ng isang point-person na magiging responsable sa pagbili o pagpo-provide ng mga medical supplies na kailangan ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Binay, matagal nang dapat nagkaroon ang pamahalaan ng in-charge sa mga medical logistics.

Sa pamamagitan din aniya nito ay may tututok sa pangangailangan ng bansa ng personal protective equipment (PPEs), face masks, ventilators at iba pang medical supplies.

Sakop din ng responsibilidad nito ang pagtitiyak sa tuloy-tuloy na suplay ng mga ito ay maaayos na naipapamahagi sa mga nangangailangang frontliners.