Saturday, May 18, 2024

Pagtatakda ng timeline sa Canada kaugnay sa basurang itinambak sa Pilipinas iginiit

- Advertisement -

Iginiit ng environmental group na Ecowaste Coalition ang pagtatakda ng timeline ng Canada sa pagkuha ng kanilang mga basura na ipinadala sa Pilipinas.

Ayon kay Ecowaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, kanilang ikinatuwa ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng mga basura ng Canada.

Aniya, nararapat lamang na magkaroon na ng timeline ang Canada para mahakot ang kanilang mga basura na limang taon nang nakatambak sa bansa.

Gayundin, ang pagtatakda naman ng palugit ng pamahalaan ng Pilipinas sa Canada kung hindi pa rin nito kukunin ang mga nasabing basura.

“Maganda yung sinabi nung Pangulo pero siyempre ayaw natin na ito’y maging isang salita ito ulit at pangako ulit. Kaya sabi namin, sana maglagay na ng petsa, taon, kailan ba ibabalik ito? At kung hindi ito kukunin ng Canada ay kailan naman ibabalik ito ng ating gobyerno? Kasi napakaraming proseso doon sa pagbabalik so kailangan iayos lahat ‘yan.”

Sinabi ni Lucero, hanggang ngayon wala pang tugon ang Canada kung kanila nang na-aksyunan ang reklamo laban sa kumpanyang Chronic Plastic na exporter ng mga nasabing basura.

Habang patuloy naman ang kasong kriminal laban sa mga importer nito sa bansa.

“Yung Chronic Plastic na ngapadala dito ay wala tayong balita mula sa side ng Canada. Kung ito ay kanila bang inaksyunan, ito’s na-function ba ito? Pero yung mga importer dito sa Pilipinas, since 2015 meron case so sila ay nahaharap sa isang criminal case at nitong 2016 naglabas ang korte ng order na ibalik ng mga importer dito sa Pilipinas ang mga basura na ito na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik dahil may restrictions sa pagbabalikan.”

interview from Ratsada Balita
—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -