Pagtanggi ng BuCor pangalanan ang mga nasawing PDL hindi tinanggap ng VACC

0
23

Hindi katanggap tanggap sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagtanggi ng Bureau of Corrections (BuCor) na isapubliko ang pangalan ng mga bilanggo na nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dante Jimenez, Founder ng VACC, katulad ng pamilya ng mga nasawi ay may karapatan rin ang mga biktima nila na malaman kung buhay pa o patay na ang gumawa sa kanila ng kasamaan.

Naniniwala si Jimenez na magbubunga lamang ng kung ano-anong hinala at haka-haka ang hindi pagsasapubliko ng pangalan ng mga nasawing inmates.

Hindi anya puwedeng death certificate lamang ang maging katunayan dahil alam naman ng lahat na maaari itong tapatan ng salapi.