Pagtanggal sa CSC Eligibility ngayong pandemic pinag-aaralan

0
49

Pinag-aaralan na ng Civil Service Commission (CSC) kung maaaring hindi muna kunan ng CSC Eligibility Certification ang mga trabahante na papasok sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa pandemyang COVID-19.

Ayon kay CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, ito ay dahil nasuspende noong Marso ang nakatakda sanang pagkakaloob ng Civil Service Examination dahil sa banta ng COVID-19.

Matatandaan namang una nang iginiit ni Senator Koko Pimentel na kung maaaring pansamantalang tanggalin ang CSC Eligibility Requirement sa pagkuha ng karagdagang tauhan ng gobyerno ngayong pandemic.

Magugunitang bago pumutok ang COVID-19 sa bansa, tinatayang nasa 2,000 hanggang 3,000 katao ang kumukuha ng CSC exam na palagiang ipinatutupad 2 beses kada taon.