Curfew sa Metro Manila balak nang alisin

    0
    46

    Pag-aaralan na ng mga Metro Manila Mayors ang pag-aalis ng curfew sa NCR.

    Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Paranaque Representative Edwin Olivarez, hindi lamang health protocol ang kailangang sagarin kundi maging ang ekonomiya ng bansa kung kaya’t kinokonsidera anila ang pag-aalis ng curfew.

    Aniya, kanila nang binuksan sa Metro Manila ang 24-oras na deliveries ng mga food chain at mga restaurants at kanila nang isusunod na pag-uusapan ang pagtanggal ng curfew.

    Tiniyak naman ni Olivarez na hindi makokompromiso ang health protocols sakaling tuluyan nang alisin ang curfew sa kalakhang Maynila.