Tuesday, May 7, 2024

Pagtanggal kay Mayor Baldo sa political party nito mahirap nang ihabol – COMELEC

- Advertisement -

Mananatili pa rin sa party nomination ng political party na Lakas-CMD o Christian Muslim Democrats si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Ayon kay Commission on Elections o COMELEC Bicol Director Maria Juana Valeza, mahihirapan na silang alisin pa sa listahan si Baldo dahil naisapinal na ang opisyal na listahan Nobyembre 29 pa lamang ng nakaraang taon.

Binigyang diin din ni Valeza na inosente hanggat hindi napatutunayang may sala ng korte ang alkalde kaya maari pa itong tumakbo sa darating na halalan.

Matatandaang binitawan na ng Lakas-CMD ang kanilang party nomination sa alkalde makaraan siyang tukuyin ng pulisya bilang mastermind sa pagpatay kina AKO-Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at police escort nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img