Pagtalikod ng Pinas sa VFA sa Amerika ‘wrong timing’ —Recto

0
22

Tinawag na “wrong timing” ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagtalikod ng Pilipinas sa visiting forces agreement (VFA) sa Amerika.

Ayon kay Recto, mali ang hakbang ng pamahalaan na talikuran ang kasunduan na bunga lang ng pagkapikon dahil sa pagbawi ng U.S. visa sa isang kaalyado nito.

Bagama’t aminado si Recto na may pagkakataon aniya na nadedehado ang Pilipinas sa VFA, hindi pa rin ito ang tamang panahon para kalimutan ang kasunduan.

Gayunman, naipakita na rin naman ani Recto ng Amerika ang pagtupad nito sa kasunduan sa pamamagitan ng agarang pagsaklolo nito sa tuwing sasalantain ang bansa ng mga kalamidad.

Iginiit din ng senador na kailangan pa rin ng Pilipinas ang Amerika dahil sa patuloy na pagtatayo ng istruktura ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.