Pagtaas ng satisfaction rating ng cabinet members ni Duterte ikinatuwa ng Palasyo

0
48

Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagtaas ng net satisfaction rating ng mga miyembro ng gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), mula sa positive 44 noong Marso, rumehistro ngayon sa positive 51 ang net satisfaction rating ng cabinet members.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakakataba ng puso dahil ito ang unang pagkakataon na nakakatanggap ng very good rating ang cabinet members sa kasaysayan.

Mahalaga aniya sa cabinet members ang nasabing rating dahil salamin ito ng kanilang dedikasyon na suportahan ang mandato ng Pangulong Duterte na magbigay ng serbisyo publiko.

Inihayag ni Panelo na patuloy ang pagsisikap ng cabinet members na maging maayos pa ang paglilingkod sa bayan hanggang sa matapos ang termino ng pangulo sa 2022.