Kasado na ang ikalawang linggo nang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Epektibo bukas ng alas sais ng umaga, ipinabatid ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang dagdag na anim napung sentimo sa presyo ng kada litro ng diesel. 10 sentimo sa gasolina at 45 sentimo sa bawat litro ng kerosene.
Magugunitang nuong isang linggo ay nagtaas ang oil companies ng 25 sentimo sa presyo ng kada litro ng diesel at 15 sentimos sa bawat litro ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng kada litro ng gasolina ay pumapalo sa 45.20 hanggang 62. 86, 41.10 hanggang  51.23 ang diesel at ang kerosene ay nasa  46.27 hanggang 56.41.