Pagtaas ng presyo ng itlog kuwestiyonable — SINAG

0
18

Kuwestiyonable para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pagtaas ng presyo ng itlog.

Ayon kay Rosendo So, chairman ng SINAG, sapat ang suplay ng itlog kaya’t walang dahilan para tumaas ang presyo nito.

Naglalaro lamang anya sa P5.12 hanggang P5.97 ang farm gate price ng itlog depende sa size at pinagmulan nito.

Dahil dito, hindi naman anya dapat umabot sa P7.00 ang presyo ng isang piraso ng itlog.

Batay sa monitoring, tumaas sa P205.00 mula sa dating P190.00 ang kada tray ng medium na itlog.