Ilang paaralan nagkansela na ng pasok upang bigyang daan ang SEA Games

0
11

Nagkansela na ng pasok ang ilang paaralan sa panahon ng Southeast Asian (SEA) Games.

Sa kanilang anunsyo, wala nang pasok sa De La Salle University Manila, Benilde Manila at Benilde Deaf School mula December 2 hanggang December 7, 2019.

Una nang nanawagan ang MMDA sa mga paaralang malapit sa venue ng SEA Games tulad ng Rizal Stadium na magkansela na ng klase dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.