Pagtaas ng kaso ng dengue ikinababahala na ng DOH

0
50

Ikinabahala na ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, sumampa na sa tinatayang apatnapung libo (40,000) ang bilang ng tinamaan ng dengue simula Enero.

Dahil dito, binalaan ni Domingo ang publiko lalo ang mga apektado ng water shortage sa Metro Manila na nag-iimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok.

Dapat aniyang tiyakin na nakarasarado ang mga lalagyan ng tubig tulad ng mga balde at iwasang i-imbak ito nang matagal.

—-