Tuesday, May 7, 2024

2022 inaasahang mabibigyan na ng national ID ang lahat ng Pinoy

- Advertisement -

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mabigyan na ng national ID ang lahat ng mga Filipino sa 2022.

Ayon kay National Statistician Undersecretary Lisa Bersales, ngayong Setyembre aarangkada na ang Philsys o Philippines ID System kung saan sisimulan nang i-proseso ang unang batch ng mga bibigyan ng national ID.

Sinabi ni Bersales, uunahin nila ang nasa anim na milyon na mga Filipinong kabilang sa benepisyaryo ng 4P’s, mga senior citizen, persons with disabilities at IP’s o indigenous people.

Aniya, Enero ng susunod na taon naman kanilang maipalalabas ang aktuwal na plastic ID para sa mga magpaparehistro at kukuha ng national ID ngayong Setyembre.

“27 million in 2020, to another 27 million in 2021 and sa 2022 ay dapat tapos na ang pagrehistro ng lahat ng mga buhay na, after that ang tawag natin ay steady state na ibig sabihin sa mga baby na ipinanganak at nagpa-register ng kapanganakan ay bibigyan agad ng ID number at kapag 5 years old na sila punta na sila sa registration upang makuha na ang kanilang biometrics.” Pahayag ni Bersales

(Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img