Pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa sa gitna ng pandemic ikinaalarma ng NTF

0
27

Ikinaalarma ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatanggap siya ng tawag mula kay IATF-National Task Force Chief Implementor Sec. Carlito Galvez hinggil sa nabanggit na usapin.

Nanawagan naman si Guevarra sa mga lider ng simbahan at mga spiritual leaders na tumulong sa pagbibigay-payo at gabay sa kanilang mga miyembro at taga-sunod lalo na ang mga nakakaranas ng depresyon dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan at iba pang kadahilanan ngayong panahon ng pandemya.