Pagsusuri sa mga posible umanong biktima ng dengvaxia patuloy

0
57

Patuloy ang pagsusuring ginagawa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa mga bata na posible umanong biktima ng dengvaxia.

Napag-alamang umabot na sa 136 ang naisailalim sa otopsiya ng PAO.

Pinakahuli rito ang batang si Justine Paule, 13 anyos na di umano’y nakitaan rin ng mga parehong sintomas na nakita sa mga batang nauna nang isinalang sa otopsiya.

Napag-alamang tatlong (3) beses na nabakunahan ng dengvaxia si Paule at nasawi dahil sa sa di umano’y brain at lung bleeding.