Pagso-sorry ni Sinas ‘di garantiya ng pagka-abswelto sa pananagutan —DILG

0
13

Hindi garantiya ang paghingi ng paumanhin ni Philippine National Police (PNP) National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas para maabswelto sya sa anumang pananagutan sa mass gathering na nangyari sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tinatanggap nya ang paghingi ng paumanhin ni Sinas subalit depende pa rin sa resulta ng imbestigasyon ang magiging pananagutan nito.

Sinabi ni Año na dapat ay ginamit ni Sinas ang kanyang discretion nang makita nya ang dami ng tao na sumorpresa sa kanya sa kanyang kaarawan.