Pagso-sorry ng Chinese vessel owner sa mga Pinoy fishermen sa Recto Bank incident ikinalugod — DND

0
59

Ikinalugod ng Department of National Defense (DND) ang pagso-sorry ng may-ari ng Chinese vessel sa mga Pilipinong mangingisda na sangkot sa Recto Bank incident.

Ayon kay Defense chief Delfin Lorenzana, bukod sa paghingi ng tawad, kailangan din aniyang magbayad ng danyos na idinulot ng naturang insidente sa bangkang pangisda ng mga Pinoy at sa nawalang kita ng mga ito.

Magugunitang ipinaabot na ng may-ari ng Chinese vessel ang paghingi nito ng tawad sa mga Pinoy fishermen, kasabay ng pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa kanyang 4-day visit.