Pagsisimula ng pasok sa public elem at HS sa Hunyo 13 na

0
59

Itinakda sa Hunyo 13 ang pagsisimula ng pasok sa lahat ng public elementary at high school para sa school year 2019-2020.

Ito ang inanunsyo ng Department of Education o DEPED.

Ayon sa DEPED, bago ang pasukan, lalarga ang ‘Oplan Balik eskwela sa Mayo 27 hanggang Hunyo 7.

Magkakaroon naman ng deworming program sa mga estudyante sa Hulyo 2019 hanggang Enero 2020.

Itinakda naman ang christmas break sa Disyembre 15 hanggang Enero 6, 2020.

Pormal namang magtatapos ang school year sa April 2020.